Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon na nagsusulong ng fiscal autonomy ng hudikatura.

Ang petition for mandamus na may pamagat na “Save the Supreme Court Judicial Independence against the Abolition of the Judiciary Development Fund and Reduction of Fiscal Autonomy” ay inihain ni Rolly Mijares.

Sa petisyon ni Mijares, hinimok nito ang hukuman na atasan ang kanilang hanay na igiit ang independence at fiscal autonomy ng hudikatura mula sa panggigipit ng Kongreso.

Ayon sa Korte Suprema, nabigo ang petitioner na makatugon sa mga rekisito para sa hinihinging mandamus. Hindi rin umano naipaliwanag ni Mijares ang kanyang kapasidad o legal standing sa paghahain ng nasabing petisyon.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina