Hinatulan ng Sandiganbayan na makulong ng walong taon si dating Looc, Romblon mayor Manuel Arboleda dahil sa ‘ghost’ purchase ng mga biik noong 1991.

Kasama rin sa napatunayang nagkasala sa kaso si Municipal Planning and Development Coordinator Fermina Gaytano dahil sa pagpalsipika ng pribadong papeles.

Iniutos ng anti-graft court na magbayad sina Arboleda at Gaytano ng P3,000 bawat isa bilang multa.

“The anti-graft court found Arboleda and Gaytano guilty of falsifying the contents of the Report of Inspection and Deliveries to make it appear that actual deliveries of piglets were made in order to facilitate payment for the transaction worth P20,000,” saad sa bahagi ng kautusan ng desisyon ng hukuman.

Sagad na ang pasensya? VP Sara pinagmumura sina PBBM, FL Liza, Romualdez

Sinabi pa ng korte na nakapagharap ng sapat na ebidensya ang tagausig na nagpapatunay na walang naganap na actual delivery ng mga biik at niloko lamang ng dalawa ang pamahalaang bayan ng Looc.