Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pangangalap ng 47,644 bagong field worker sa pagpapatupad ng Listahan 2nd nationwide assessment ng kagawaran.

Kabilang sa kinakailangan ang 1,277 area coordinator, 6,383 area supervisor, 31,908 enumerator, 4,038 encoder, at 4,038 verifier na aatasang kumolekta ng impormasyon mula sa 15.3-milyong tahanan sa 1,490 munisipalidad at 144 na siyudad sa bansa.

Ang Listahan ay isang information management system na maaaring gamitin ng mga national agency, local government unit, at iba pang social protection stakeholder upang magkaroon ng listahan ng maralitang pamilya na nangangailangan ng tulong.

Sasanayin ng mga area coordinator ang mga area supervisor na mamumuno sa lupon ng mga enumerator sa pagsasagawa ng field assessment.

National

Disyembre 26, 2024 hindi idedeklara bilang holiday – Malacañang

Magsasagawa ang enumerator ng panayam sa mga pamilya gamit ang Family Assessment Form (FAF), isang apat na pahinang questionnaire at 52 variable na tutukoy sa antas ng kabuhayan ng isang pamilya.

Ang datos na makokolekta ng mga enumerator ay ipapasok ng mga encoder sa database ng Listahan habang sisiyasatin ng mga verifier kung tama ang mga ipinasok na impormasyon.

Maaaring magsumite ng aplikasyon sa email: [email protected] o personal na dalhin ang aplikasyon sa pinakamalapit na tanggapan ng DSWD o sa Social Welfare and Development Team sa mga lalawigan.