OAKLAND, Calif. (AP)– Si Steve Kerr ng Golden State Warriors ang magiging coach ng Western Conference sa All-Star Game sa Peprero 15.

Kinumpirma ng NBA kahapon na naselyuhan ni Kerr ang puwesto matapos ang 126-113 panalo ng Warriors kontra sa Houston noong Huwebes na nagbigay sa kanyang koponan ng pinakamagandang rekord sa conference hanggang Pebrero 1.

Ang All-Star Game ay magaganap sa Madison Square Garden, kung saan dapat sana ay magiging coach si Kerr kung hindi niya tinanggihan ang alok bilang coach ng New York Knicks noong summer.

Nadala ni Kerr ang Warriors sa pinakamagandang pag-uumpisa nito sa kasaysayan ng prangkisa sa 34-6. Ang huling coach na nakatanggap ng All-Star nod sa una niyang season ay si Larry Bird ng Indiana noong 1998.

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

Samantala, si Mike Budenholzer ng Atlanta ang magsisilbing coach ng East.