SAAN man magtungo at anuman ang gawin ni Amanda Bynes — matulog, mag-ayos at mag-selfie ay hindi pa rin siya makakahinga ng maluwag.

Hindi kinasuhan ang aktres, 28, matapos siyang arestuhin dahil sa Driving Under the Influence (DUI) noong Setyembre. Gayunman, hindi pa rin siya lubusang malaya at absuwelto dahil kasalukuyan siyang nahaharap sa isang probation violation.

“As you know, she is currently on probation to the Los Angeles District Attorney’s Office for a 2012 DUI out of Beverly Hills,” pahayag ng tagapagsalitang si Frank Mateljan sa E! News. “The matter was referred yesterday. No further action [in our office] is scheduled on this matter.”

Kung iisipin si Bynes, na umaming may bipolar disorder, ay nagbabagong buhay at makalipas ang dalawang taon na hindi magagandang pangyayari sa buhay niya, siya ay naaresto noong Setyembre 28 dahil sa pagmamaneho nang lasing. Ito ay nagdulot ng hindi magandang pangyayari, kasama na rito ang isang shoplifting incident, hindi kusang loob na pagkakadala sa isang psychiatric treatment, at kawalan ng matutuluyan habang hindi nakakasundo ang magulang.

National

House Quad Comm, nanindigang ‘di ilalabas transcript ng hearing para sa ICC

Simula noon, mukhang kumalma na ang mga bagay-bagay. Paminsan-minsan siyang nagpo-post sa kanyang Twitter, simula sa kanyang intensiyong pumasok sa University of Southern California hanggang sa isang Christmas message. Ang huling post niya ay ang isang selfie noong Enero 13.