WASHINGTONG (AFP)-- Binatikos ni United Nations human rights chief Zeid Ra’ad Al Hussein noong Miyerkules ang isang prominenteng monghe sa Myanmar sa aniya’y sexist at abusadong komento sa publiko tungkol sa isang UN special rapporteur.

Ayon sa website ng Irrawaddy magazine, kinondena ng mongheng Buddhist na si U Wirathu ang human rights rapporteur na si Yanghee Lee sa isang public rally noong nagkaraang Biyernes kontra sa boto sa UN General Assembly na nanawagang pagkalooban ng citizenship ang Rohingya Muslims sa bansa, kilala rin bilang Burma.

“Just because you hold a position in the United Nations doesn’t make you an honorable woman. In our country, you are just a whore,” wika ni Wirathu sa naghihiyawang madla ng ilang daang katao sa Yangon noong Biyernes.

Kinondena ni Zeid ang mga pahayag. “The sexist, insulting language used against the U.N.’s independent human rights expert on Myanmar ... by an influential monk during Ms. Lee’s official visit to the country is utterly unacceptable...“It is intolerable for U.N. special rapporteurs to be treated in this way,” ani Zeid.
National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8