Nasa Rome na si Pope Francis. Sana lang kumintal nang malalim ang kanyang mga mensahe tungkol sa awa at malasakit, responsible parenthood, katapatan at pagwaksi ng katiwalian sa ating puso at isip. ngunit ang dapat pagisipan ngayon ay kung paano maaalis ng inspirasyon mula sa Papa ang katiwaliang bumabalot sa moralidad ng Pilipino. Agad na kinokondena ng karaniwang Pilipino ang mga taong gobyerno sa katiting nitong bahid ng katiwalian. kapag hinarap ng batas, gayunman, ang agad itong nanunuhol upang makalusot.

***

Gayunman, hindi tayo mauubusan ng mga Pilipino na maaari nating tularan. Pararangalan ng JCi senate Philippines at insular Life assurance Co. Ang tatlo nating kababayan ng The Outstanding Filipino (TOFiL) awards sa Muntinlupa City sa Enero 29 dahil sa kanilang natatanging tagumpay sa kani-kanilang larangan. Ang TOFiL awardees - Albay Gov. Joey salceda (transformational leadership), Gemma Cruz-Araneta (Culture and arts) at Francis

kong (Business Entrepreneurship) ay karapat-dapat sa naturang parangal.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Partikular na si Salceda na lumutang ang galing sa creative public governance at nagtamo ng maraming karangalan para sa bansa dahil sa kanyang international engagements. Itinalaga siya ng united nations bilang senior Global Champion at spokesman para sa Disaster Risk Reduction and climate Change Adapation (DRR-CCA), at pinuri sa kanyang mga pagsisikap bilang co-chairman ng un Green Climate Fund. Nagtagumpay rin siya sa mga pagbabago sa Albay bunsod ng Millennium Development Goals at sa DRR-CCA partikular na sa larangan ng health, education, agriculture, forestry, environment at tourism na nakatulong sa paglago ng ekonomiya ng albay sa kabila ng mga kalamidad na humahagupit sa lalawigan.

Pinuri din ng JCi ang mga technical tools na dinibelop ni salceda kung saan umangat ang pandaigdigang pamantayan ng sistema ng Philippine Stock Exchange kung saan nailagay ang bansa sa mapa ng world equity market at natamo ang kabuuang $3.5 billion net investment inflows sa Pilipinas. Marapat ding banggitin ang pagpapahusay ng healthcare, PhilHealth coverage at edukasyon. Taglay ngayon ng Albay ang pinakamalawak na scholarship program na sumusuporta sa mahigit,142 post secondary scholar.