ILAN lamang ang nakakaalam na humaharap sa hearing lang superstar na si Nora Aunor sa Bicol. Hindi si Nora ang nasasakdal kundi ang kanyang pinsang si Saturnino Aunor na kanyang kinasuhanng perjury at false testimony na nag-ugat sa pagbebenta diumano ng kanyang pinsan ng 10 ektaryang lupain ng aktres sa Iriga.
Bandang alas diyes ng umaga ng Miyerkules, dumating si Nora sa Iriga MTC para sa arraingment o hearing ng kanilang kaso, although nag-plead "not guilty" naman ang kanyang pinsan.
Pagkatapos ng araignment sa kasong false testimony laban kay Saturnino, muli itong pinosasan paglabas ng korte dahil sa isa pang kasong perjury.
Dahil sa kasong isinampa ni Nora sa Iriga Municipal Trial Court, aniya'y nagsirnula rin siyang makatanggap ng death threats.
Pero kahit pa raw may death threat, buo ang loob ng superstar na ituloy ang laban sa korte dahil ang kanyang kinabukasan ang nakataya.
"May mga threat ako na (natatanggap). Nandito nga ang mga katibayan, hindi ko binubura," aniya. "Isa iyon sa mga dapat ko ipaalam. Masama ... Siyempre naman po [natatakot ako] dahil hindi naman natin alam kung ano ang nasa isip niya."
Pahayag pa ng superstar, " Ang sa akin, para ipagtanggol ang sarili ko. Pinaghirapan ko kasi 'to, eh. Mula ito noong halos nag-uumpisa pa lang ako (sa showbiz), nag-iipon karni ng mama ko. 'Tapos sabi rin niya, para sa akin nga.
Iyon ang pinagtatalunan dito ngayon, 'yung pinaghirapan ko noong araw," himutok ng aktres.
Ayon pa sa kampo ng aktres, posibleng masampahan ng panibagong kaso si Saturnino dahil sa death threats na kanyang natatanggap via text message.
Agad ding bumalik si Nora noong Miyerkules ng hapon
Posibleng bumalik muli si Nora sa Bicol, hindi sa kasong isinampa kundi'y may pahaging ito na may gagawin siyang pelikula na sa Bicol ang location next month.