TOKYO (AP) — Sinabi ng Japan noong Miyerkules na pinag-iisipan nito ang lahat ng mga posibleng paraan upang mapalaya ang dalawang hostage na hawak ng Islamic State group, habang dalawang taong may contact doon ang sinusubukang makipagnegosasyon.

Sinabi ng Islamic State group, sa isang video message na inilabas noong Martes, na pupugutan nila ang mga hostage sa loob ng 72 oras kapag hindi nakapagbigay ang gobyerno ng $200 million. Batay sa release time ng video, papaso ang deadline ngayong Biyernes.

Ang mga hostage ay kinilalang si Kenji Goto, 47, freelance journalist at Haruna Yukawa, 42, founder ng isang private security company.
National

405 sa 677 umano'y benepisyaryo ng confi funds ni VP Sara, walang record of birth sa PSA