Dinismis ng Supreme Court (SC) noong miyerkules ang disqualification case na inisampa laban kay manila mayor Joseph “Erap” Estrada, na tumapos sa mga pagdududa sa administrasyon ng lungsod sa loob ng maraming buwan. Gayong mayroong 15 araw ang mga petitioner na maghain ng isang motion for reconsideration, ang hukuman, sa malaking botong 11-3 – ay malamang hindi magbabago ng pasya.

Uminog ang isyu sa isang probisyon ng Local Government Code kaugnay ng Omnibus Election Code. Ang Local Government Code, Republic Act 7160, ay nagbabawal sa sino mang nakasuhan sa isang pagkakasala na kinasasangkutan ng imoralidad o isang paglabag na ang parusa ay isang taon na pagkakulong at hindi maaaring kumandidato sa ano mang lokal na elective position.

Nahalal si Estrada bilang pangulo ng Pilipinas noong 1998 at nanungkulan ng Hunyo ng taon ding iyon, ngunit naglingkod siya ng 31 buwan lamang nang ma-impeach ng Kamara de Representantes. Sa paglilitis ng senado noong Enero 2001, nang bumuto ang senado laban sa pagbubukas ng isang dokumento, na kalauna’y lumutang din, na wala namang saysay sa kaso, nangagkatipon ang mga demonstrador na tinaguriang EDsA 2. naghain si Estrada ng leave of absense at kalaunan nagpasya ang sC na ang kanyang pansamantalang pagliban sa malacañang ay isang “constructive resignation.”

Kalaunan, naaresto siya sa kanyang tahanan sa san Juan sa bisa ng isang warrant of arrest na inisyu ng sandiganbayan sa salang plunder. nahatulan siya ng hukuman noong setyembre 12, 2007, ngunit ginawaran siya ni Pangulong Gloria macapagal Arroyo ng executive clemency noong Oktubre 25, 2007. Sa halalan noong 2010, kumandidato si Estrada sa pagkapangulo at nagtapos sa pangalawang puwesto kasunod ni Pangulong Benigno s. Aquino iii ngayon. Noong 2013, kumandidato siya sa pagka-alkalde ng manila at nagwagi.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Ang pagtakbo niya sa pagkapangulo noong 2010 ay hindi kailanman kinuwestiyon, ngunit kinuwestiyon ang kanyang pagtakbo sa pagka-alkalde ng manila, dahil sa probisyon ng Local Government Code. ito ang isyu na niresolba ng sC noong miyerkules, nang magpasya ito na noong tinanggap ni Estrada ang absolute pardon na iginawad ni Pangulong Arroyo, naalis ang diskuwalipikasyong dulot ng probisyon ng Local Government Code.

Medyo bukod sa probisyong ito, binigyang-diin na nagwagi si mayor Estrada ng malaking mayorya noong 2013 mayoral election. magiging mahirap na trabaho ang kumbinsihin ang mga manileño na ang mayor na kanilang nahalal ay hindi kuwalipikadong tumakbo para sa posisyon at panglingkuran sila.

Sa unang araw ng kanyang administrasyon, sinimulan ni mayor Estrada na magpatupad ng mga pagbabago, partikular na ang pananalapi ng city administration at mga lansangan ng lungsod. Binayaran niya ang natipong utang ng lungsod at nilinis ang Divisoria at iba pang lugar. sa desisyon ng supreme Court, sinabi niya, “Lalo kong lilinisin ang manila... Lalo kong pagagandahin ang Manila.”