KIDAPAWAN CITY, North Cotabato - Bunsod ng walang humpay na pagbuhos ng ulan, umapaw ang Kabacan River, isa sa pinakamahabang ilog sa North Cotabato, at binaha ang maraming barangay sa Kabacan at Magpet sa lalawigan, ayon sa ulat.

Tinukoy ni Zaynab Ampatuan, project coordinator ng Moro People’s Core, isang non-government organization, ang mga binaha na kinabibilangan ng Purok Plang at Abpa sa Poblacion; mga barangay ng Lumayong, Kayaga, Pedtad at Salapungan; at ibang lugar malapit sa ospital ng University of Southern Mindanao sa sentro ng Kabacan.

Inihayag ni Arbaya Salit, residente ng Barangay Kayaga, na nasaksihan nilang tumaas ang baha kahapon ng umaga kaya agad silang nagsilikas sa matataas na lugar.

“Subalit may mga residenteng ayaw iwan ang kanilang bahay kaya naipit sila sa baha,” pahayag ni Sali.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sinabi nina Sali at Ampatuan na nasira ang isang dam sa Purok Plang bunsod ng malakas na ragasa ng baha mula sa Kabacan River.

Ayon kay Sali, ilang guro na nakatalaga sa mga barangay ng Pedtad at Salapungan ang nastranded sa kanilang eskuwelahan bunsod ng biglang pagtaas ng baha.