Binigyan ng pagkilala ang Makati Public Employment Office (Makati-PESO) ng Department of Labor and Employment-National Capital Region (DOLE-NCR) para sa kanilang kapuri-puring achievements.

Sinabi ni city personnel officer at Makati-PESO manager Vissia Marie P. Aldon na dinomina ng Makati-PESO ang Bracket 2 para sa 2014 na binubuo ng local government units (LGUs) na may populasyon ng 400,001 hanggang 600,000.

Kabilang din sa Bracket 2 ang mga lungsod ng Marikina, Muntinlupa, Las Pinas, Valenzuela at Paranaque.

“Makati-PESO got four out of eight awards for DOLE core programs. These are: “Best PESO in Career and Employment Coaching” reaching the highest number of participants as compared to the five other LGU-PESOs under the same bracket; “Best Peso for Highest SPES Placement” after placing the highest number of students in the SPES program vis-à-vis its target; “Best PESO in the Skills-Registry System” for encoding the highest number of registrants; and “Best PESO in Phil-jobnet Registration” after posting and registering the highest number of job vacancies and establishments,” sabi ni Aldon.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Si Aldon, na presidente rin ng PESO Association of Metro Manila (PAMM) at PESO Managers’ Association of the Philippines (PESOMAP), ay ginawaran din ng “Active Involvement Award” para sa pagpapakita ng positibong pananaw sa pamamagitan ng pagpapakita ng galing sa organisasyong kanyang nirerepresenta, pakikisalamuha sa isang positibong pamamaraan, pagpapakita ng mataas na lebel ng enerhiya at commitment at suporta sa DOLE-NCR at PAMM.

Tinanggap ni Aldon ang award kasama ang iba pang PESO managers na sina : Norman Mirabel, Taguig City; Gil Munar, Marikina City; Flourescelle Austria, Malabon City; at Genesis Sanoy, Navotas City.

Nagpaabot ng pagbati si Makati Mayor Jejomar Erwin S. Binay sa lahat ng opisyal at kawani ng Makati-PESO.