Jennylyn-Mercado-copy-442x500

ZERO pa rin ang lovelife ni Jennylyn Mercado sa Araw ng mga Puso kaya hango rin sa status niyang ito ang titulo ng Valentine concert niyang Oo Na! Ako Na Mag-isa! Samahan N'yo Naman Aka! na gaganapin sa February 13 sa SM Skydome, 8 PM.

At dahil dayalogo ang titulo ng concert sa pelikulang English Only, Please ay special guest ng aktres ang leading man niyang si Derek Ramsay kasama sina Kean Cipriano at Cai Cortez at iba pa.

Hmmm, so live show ito ng English Only, Please?

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

Anyway, kahit walang buhay pag-ibig si Jennylyn ay masaya naman daw siya ngayon at kuntento sa piling ng anak niyang si Jazz.

Hindi siya nakakaramdam ng inggit sa nalalapit na kasal ng tatay ng anak niya, si Patrick Garcia, sa live-in partner nita na biniyayaan na rin ng anak ng babae.

"Siyempre lahat ng mga babae dream nila na magpakasal. So, ako rin, dream ko rin na magkaroon ng magandang wedding at makita 'yung talagang tamang tao para sa akin," sey ni Jennylyn.

Ang nakakatuwa, ang mapapangasawa ni Patrick na si Nikka Martinez ang katsika niya at hindi ang aktor.

"Hindi kami masyadong naguusap (ni Patrick), mas kausap ko 'yung asawa niya," say ni Jen.

Wala na raw silang isyu ni Patrick ngayon.

"Walang samaan ng loob. Mas maganda 'yung ganu'n, eh. Kahit kaninong tao, hindi maganda na may samaan ng loob. 'Yun din ang reason, kaya 'yung mga ex ko, maganda 'yung kaibigan ko sila."

Bukod tanging si Luis Manzano na lang daw ang hindi pa niya nakakausap.

"Oo. I hope,sana,sana magkaroon din kami ng chance na (mag-usap)," saad ng aktres.