IDINARAOS ng bansa ngayong Enero 23 ang ika-116 anibersaryo ng inagurasyon ng unang Republika ng Pilipinas o ang malolos Republic sa Barasoain Church sa malolos City, Bulacan, kung saan nanumpa sa tungkulin si General Emilio F. Aguinaldo bilang unang pangulo. Ang una niyang atas ay ang pagpapatawad sa lahat ng bilanggo at pagkakaloob sa mga banyaga ng karapatang magnegosyo sa Pilipinas.

Pinasinayaan ng unang Republika ng Pilipinas dalawang araw matapos ipatupad ang malolos Constitution noong Enero 21, 1899. Binalangkas sa unang asembliya ng Kongreso ng Pilipinas noong setyembre 15, 1898, pinalitan ng Konstitusyon ang Pact of Biak-na- Bato government noong Hulyo 7, 1897, at itinaguyod ang pamantayang demokratiko, binigyan ng kapangyarihan ang tatlong sangay ng gobyerno – ang lehislatura, ehekutibo, at hudikatura – at ang prinsipyo na ang soberanya ay nananahan sa taumbayan.

Sinuportahang ganap ng sambayanang Pilipino at kinilala ng ibang bansa, natanaw ng malolos Republic ang pagsilang ng unang independiyenteng republika sa Asia. Upang ipagdiwang ang mga makasaysayang pagkakatatag, inisyu ang Proclamation no. 533 noong Enero 9, 2013, na nagdedeklara sa Enero 23 ng bawat taon bilang “Araw ng Republikang Filipino, 1899.” sa kasaysayan, nagtapos ang malolos Republic sa pagkakahuli kay Pangulong Aguinaldo noong marso 23, 1901 sa Palanan, isabela, na nagresulta sa kanyang pagkilala ng soberanya ng Amerika sa ibabaw ng Pilipinas.

Inaasahan na pangungunahan ni Pangulong Benigno s. Aquino iii ang iba pang national at local government officials sa seremonya ng pagtataas ng bandila at pag-aalay ng bulaklak sa Barasoain Church (Our Lady of mt. Carmel Parish) ngayong Enero 23. Iprinoklama ang naturang simbahan bilang isang national shrine sa bisa ng Presidential Decree no. 260 noong Agosto 1, 1973.

National

SP Chiz, dinepensahan mga umano'y 'blank items' sa GAA: 'Kasinungalingan iyon'

Ang mga aktibidad sa Fiesta Republica 2015 sa malolos City ay kinabibilangan ng Dulansangan 2015, na isang street dance-drama na parada ng makasaysayang maiigsing literatura na naglalarawan ng mahahalagang tagpo na nakatulong matamo ang kalayaan at demokrasya, na magsisimula sa malolos Basilica minore at magtatapos sa malolos sports and Convention Center; may Timpalak-awit ng makabayang Pilipino, na isang choral singing contest upang buhayin ang mga makabayang awitin tulad ng mga folk song, kundiman, kumintang at original Pilipino music na isinulat mula 1896 Philippine Revolution hanggang 1986 EDsA People Power Revolution; Pasiklaban ng mga Banda, na bubuhay sa brass band festival na pinasimulan ni Pangulong Aguinaldo noong 1900s, kung saan ang paparada ang mga provincial band sa makasaysayang Paseo del Congreso ng malolos, Raprapan sa Kasaysayan, na isang modernong Balagtasan ng provincial o city representatives mula sa mga rehiyon; G. at Bb. Republica Filipino, kung saan pipiliin ang hari at reyna ng festival, na ngayon ay nasa ikalawang taon; at ang Republica Cup 2015 at 2nd Bike Festival, na nagtataguyod ng sports tourism.