ATLANTA (AP)- Naglistang tig-17 puntos sina DeMarre Carroll at Jeff Teague upang pangunahan ang balanseng opensa, nag-dunk si Kyle Korver sa unang pagkakataon matapos ang mahigit sa dalawang taon, at naitabla ng Atlanta Hawks ang kanilang franchise record sa kanilang ika-14 sunod na panalo nang gibain ang Indiana Pacers, 110-91, kahapon.

Dahil sa panalo, na nag-angat sa conference-leading record ng Hawks sa 35-8, naselyuhan ni Mike Budenholzer ang puwesto bilang Eastern coach sa All-Star Game sa susunod na buwan sa New York City.

Magsasama si Budenholzer ng ilan niyang manlalaro. Nagmartsa ang Hawks patungo sa kanilang ika-28 panalo sa huling 30 laro at ipinakita ang teamwork na kanila nang naging tatak sa season na hindi inasahan ng kahit sino.

Sampung manlalaro ang umiskor pagdating sa halftime sa pangunguna ni Carroll. Lahat ng limang starter ay umiskor sa double figures, at nag-ambag naman mula sa bench si Pero Antic ng 12 puntos.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ngunit ang larong ito ay mas maaaiaia sa dunk ni Korver sa first half.

Mas kilala bilang isang 3-point specialist, nakauna ang 33-anyos sa isang fastbreak, nakuha ang pasa mula kay Al Horford at idinakdak ang bola na gamit ang kanang kamay.

Ito ang unang dunk ni Korver mula pa noong Nobyembre 16, 2012, sa Sacramento. A yon sa STATS, ito ang ika-16 dunk sa kanyang 12 taong career sa NBA.

Pinangunahan ni C.J. Miles ang Pacers sa kanyang 18 puntos. Nagkasya lamang ang Indiana sa 39.7 porsiyento sa shooting sa kanilang ikaanim na sunod na pagkabigo.

Tangan ang 52-41 abante sa halftime, agad naisantabi ng Hawks ang mga balakid sa umpisa ng third quarter, at ibinaon ang Pacers mula sa 3-point stripe. Nag-ingay din sina Paul Millsap, Jeff Teague, at Carroll mula sa long range para sa 13-4 spurt na nagpalawig sa kalamangan sa 65-45.

Resulta ng ibang laro:

Cleveland 106, Utah 92

New York 98, Philadelphia 91

Charlotte 78, Miami 76

Detroit 128, Orlando 118

New Orleans 96, LA Lakers 80

Dallas 98, Minnesota 75

Oklahoma City 105, Washington 103

Memphis 92, Toronto 86

Phoenix 118, Portland 113