Umaasa si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richie Garcia na agad na mapapasakamay nila ang opinyon ng Department of Justice (DoJ) hinggil sa pagsasauli ng 84-taong Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Maynila para sa hinahangad na pagpapatayo ng National Training Center sa Clark, Pampanga.

“We will be finalizing our agreement with our counterpart Clark International Airport Corporation (CIAC) at the end of the month. Tuluy-na-tuloy na ang itatayong National Training Center. Hinihintay na lang natin ang opinyon ng DoJ para full blast na agad tayo,” sinabi ni Garcia.

Optimistiko si Garcina na magiging paborable ang opinyon ng DoJ dahil isasapormal na nito ang pag-okupa sa 50-ektaryang lupain na nasa pag-aari ng CIAC.

“We are set to sign the agreement,” giit ni Garcia. “Once it is finalized, then we can immediately start now with the construction of the world class training center.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Gawa na ang kontrata na pipirmahan ng PSC at CIAC na magbibigay pahintulot sa ahensiya upang rentahan ang lupain sa loob ng 25 taon sa halagang P1.00 kada taon.

Nakatakda nang pirmahan ito ng mga opisyal ng PSC at CIAC sa susunod na linggo bagamat hindi pa makakilos agad ang ahensiya para sa pagpapatayo ng kumpletong pasilidad sa training center.

Hiningi ni Garcia ang opinyon ng DoJ upang walang paglabag sa batas sa pagsasauli ng sports complex na itinayo noong 1934.

Isasauli ng PSC ang pamamahala ng sports complex sa Maynila kapalit naman ng P3.5 bilyon na gagamitin nila para sa hinahangad na pasilidad sa Clark.