07_06_2013_008_029_015

ANG ganda ng pasok ng 2015 kay Arjo Atayde. Siya ang featured artist sa Wansapanataym sa buong buwan ng Pebrero pagkatapos nina Hligo Pascual at Julia Barretto ngayong Enero.

Pagdating ni Arjo galing ng Amerika siya sinabihan na igi-guest siya sa Wansapanataym pero wala pang detalye kung sino ang makakasama niya. Hindi rin nabanggit na isang buwan pala siyang itatampok.

Habang nagbabakasyon sa Amerika ay nag-isip si Arjo kung ana ang puwede ni yang gawin habang wala pa si yang project sa ABS-CBN at on the works na ang pagpapatayo niya ng bar and restaurant kasama ang mga kaibigang taga-showbiz at pinsan.

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

Nabanggit dati sa amin ni Arjo na makakasosyo niya sina Joseph Marco at Ejay Falcon.

Nakatakda sa Pebrero 2 ang taping ni Arjo para sa Wansapanataym at habang wala pang trabaho ay panay ang workout niya dahil tumaba siya.

"I need to go back in shape, Tita Reggee, sumobrang taba ko talaga," say ng binata sa amin.

Oo nga, baka sa halip na leading man ang papel ni Arjo ay maging Santa Claus, he-he-he.

"Sobrang excited ako, Tita Reggee kasi noon ko pa gustong mag-Wansapanataym, hindi lang natutuloy kasi nasasabay sa taping ng Pure Love, kaya sabi ko susunod na may offer ulit, hindi puwedeng hindi ko tanggapin kasi magaganda talaga ang storyline plus maraming nakakapanood lalo na ang kids," kuwento ni Arjo.

Wala pa siyang idea sa magiging takbo ng kuwento ng Wansapanataym episode niya dahil malalaman pa lang niya 'pag ipinadala na sa kanya ang script bago mag-Pebrero 2.

Inisip namin na baka hindi ito love story kasi ito na ang kuwento ng Wish Upon A Lusis nina Inigo at Julia.

As of noway walang lovelife si Arjo. "No muna tita, not this early of 2015, I have to focus muna sa work and sa business that we're putting up."

Oo nga, hindi dapat mag-rely ang isang artista sa showbiz dahil hindi mo alam kung hanggang kailan ka may offer kay a kailangang may sideline rin.