Binuksan natin kahapon ang paksa tungkol sa pagdadagdag ng halaga sa lahat ng bagay. Ang pagtulong sa kapwa at paglalaan ng ating panahon upang dumamay ay mga susi tungo sa tagumpay at kasiyahan. Ang pagdadagdag ng halaga ay nagbubukas ng mga oportunidad. Kung nakikilala ka dahil sa iyong pagtulong, laging naghahanap ng solusyon sa mga problema, dumarami ang iyong kakilala at kaibigan at kaya mong mag-impluwensiya.

May dalawang uri ng tao: mga taong gumagawa ng problema, at mga taong gumagawa ng solusyon. Aling grupo ka kaanib? ang ikatatagumpay ng iyong inaasam na kinabukasan ay nakasalalay sa kung aling grupo ka naka-kategorya. Paano tayo makapagdadagdag ng halaga? Paano natin mararanasan ang isang maginhawang pamumuhay na dulot ng pagtutulungan? narito ang ilang halimbawa kung paano ka makapagdadagdag ng halaga sa iyong ginagawa at sa bawat situwasyon:

  • Tiyaking alam mo kung ano ang iyong kayang gawin. - Anu-ano ba ang iyong skills? Anu-ano ba ang talent mo? Anong larangan ka magaling? ito ang mga kasangkapang makapagbibigay sa iyo ng mga araan upang makapagdagdag ng halaga.
  • VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

  • Gawin ang iyong hilig. – Kapag ginagawa mo ang iyong hilig, ang pagdagdag ng halaga sa lahat ng bagay na iyong ginagawa ay nagiging natural. Kung halimbawang mahilig kang magbake ng tinapay. isipin na lamang ang halaga ng iyong ibinibigay sa tinapay na gagawin mo bilang pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad. Magiging matagumpay ka dahil natural lamang ang pagdadagdag mo ng halaga.
  • Kung hindi ka nakadadagdag ng halaga, umalis ka. – Kung sa pakiramdam mo ay hindi ka nakadadagdag ng kahit katiting na halaga sa kasalukuyan mong trabaho, maaaring baguhin mo ang sistema ng iyong paggawa o magbitiw ka na. ang pagdadagdag ng halaga ang iyong magiging gabay sa paghahanap ng tamang trabaho o kumpanyang mapapasukan. kung may pagpipilian kang career path, piliin mo ang mas makapagbibigay ka ng halaga. Sa ganitong paraan, matatamo mo ang tunay mong layunin sa buhay at lalo kang magiging masaya.

Bukas uli.