UNDO ● Ang computer symbol na ‘undo’ ay isang arrow na naka-counter-clockwise, ibig sabihin, ipawalang-saysay ang ginawang pagbabago. At ito ang nasa karatulang itinaas kamakailan nina Akbayan Party List Representatives Walden Bello at Barry Gutierrez kasama ang iba pang grupo at tagapsuporta nang maghain sila ng isang petisyon kay Pangulong Noynoy upang suspindehin at repasuhin ang pagtataas ng pasahe sa MRT/LRT. Hindi ko talaga maunawaan na sa kabila ng daan-libong pasahero ng MRT/LRT oras-oras, araw-araw ay kailangan pang magdagdag ng pasahe gayong hindi naman tayo nakakikita ng pagbabago para guminhawa at maging ligtas ang mga pasahero.

***

SA KANILA KAYA GAWIN ● Kamakailan, may nakapag-ulat na nagsagawa ng public execution ang Islamic State (ISIS). Sa loob ng 48 oras, ipinako nila sa krus ang 17 kabataang lalaki, itinulak sa matataas na gusali ang mga bakla at binato hanggang sa mamatay ang isang babaeng nakiapid. Lumabas ang mga nakapanlulumong imahe ng mga pagpaslang na ito sa social media na kaalyado ng IS, pati na ang pagpatay sa dalawang nakapiring na lalaki na itinulak sa kamatayan mula mataas na gusali na nasaksihan ng madla sa ibaba. Iniuugnay ang mga imahe sa isang information office sa Niniveh, isang lungsod sa Iraq na nagpapakita kung paano nila pinarurusahan ang mga gumawa ng matitinding krimen. Ayon sa isang human rights group sa Syria, ang publi executions na ito ay bunsod ng pag-abante ng mga militar sa Iraq at Syria. Sinabi ng grupo na ang pagpako sa krus ng 17 kabataang lalaki at paraan ng paghihiganti sa pagkakapaslang ng may 12 jihadists. Sinabi pa ng grupo na ito ang paraan ng IS upang ihatid ang mensahe sa mga taong namumuhay sa ilalim ng kanilang kontrol na nagsasabing ito ang mangyayari sa kanilang mga kaaway. Totoong mahiwaga ang tulak ng relihiyon – may nag-aatas na magmahalan ang sangkatauhan, na magpatawaran, at magdamayan sapagkat ganoon din ang nais na gawin sa kanila ng kanilang kapwa; at mayroon ding pumapatay sa karumaldumal na paraan dahil sa relihiyon. May relihiyong nagpapalaganap ng kapayapaan; at mayroon ding mga “relihiyoso” na nagpapalaganap ng takot at karahasan. May mga relihiyong pinamumunuan ng mga taong malaki ang tiwala sa Diyos; at may relihiyon ding nagsusulong ng kabutihan at kabanalan ngunit pinamumunuan ng mga taong... Isang magandang araw po sa inyong lahat!

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso