Sinabi kahapon ni United Nationalist Alliance (UNA) Interim Secretary JV Bautista na desperado na ang mga senador na nag-iimbestiga sa Makati City Hall Building 2 sa paninira laban kay Vice President Jejomar Binay dahil malapit na ang deadline sa mga pagdinig sa isyu.

Ayon kay Bautista, muling nalantad ang pagkiling nina Senator Antonio Trillanes IV, Alan Peter Cayetano at Koko Pimentel sa pagbabanta ng contempt laban kay Makati Mayor Junjun Binay at ilang opisyal ng lungsod habang pinahihintulutang magsinungaling sa kabila na nanumpa na magsasabi ng katotohanan ang dating bise-alkalde ng Makati at iba pang testigo.

“They no longer have issues to throw against the Vice President that’s why they are now bordering to threaten Mayor Binay of contempt. Don’t they (the senators) have better things to do than wasting taxpayers’ money to bankroll their 2016 presidential ambitions?” pahayag ni Bautista.

Sa halip aniyang magprisinta ng matibay na ebidensiya, ang ginagawa ng tatlong senador ay sinasabon at sinisigawan ang mga testigo na nagpapahayag ng testimonya na lihis sa kanilang ginawang telenovela.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Itinuring ni Bautista ang mga pahayag nina dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado at Renato Bondal na “hyperbolic, exaggerated, distorted at untrue” ang mga paratang sa mga Binay.

Iginiit niya na ilang beses nagsinungaling sina Mercado at Bondal sa kabila na nanumpang magsasabi ng katotohanan sa tatlong senador subalit hindi man lang binalaan o binigyan ng warning at inilagay pa sa Witness Protection Program (WPP) sa rekomendasyon ni Senate President Franklin Drilon.