GENEVA (AFP)— Tataas ang unemployment ng 11 milyon sa susunod na limang taon dahil sa mas mabagal na paglago at turbulence, babala ng UN noong Martes.

Mahigit 212 milyong katao ang mawawalan ng trabaho pagsapit ng 2019 laban sa kasalukuyang antas na 201 milyon, sinabi ng International Labour Organization.

“The global economy is continuing to grow at tepid rates and that has clear consequences,” sabi ni ILO head Guy Ryder sa mamamahayag sa Geneva.

“The global jobs gap due to the crisis stands at 61 million jobs worldwide,” aniya, tinutukoy ang bilang ng mga nawalang trabaho simula nang magsimula ang krisis pinansyal noong 2008.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nakasaad sa ulat ng ILO World Employment and Social Outlook -- Trends 2015 na karagdagang 280 milyong trabaho ang kinakailangang likhain pagsapit ng 2019 upang mapunan ang gap na nilikha ng financial turmoil.

“This means the jobs crisis is far from over and there is no place for complacency,” ani Ryder.

Ang pinakamatinding tatamaang grupo sa buong mundo ay yaong nasa edad 15 hanggang 24, sa pagpatak ng youth unemployment rate sa 13 porsiyento noong 2014, halos tatlong beses kaysa antas para sa adults.

“There is massive human waste, suffering and misery stemming out of unemployment,” ani Ryder, hinimok ang mga gobyerno na dagdagan pa ang pagsisikap upang matugunan ang problema.