MIAMI— Plano ni Oscar de la Hoya na maglunsad ng isang TV channel na layong dalhin ang viewers sa mga nagaganap sa likod ng boxing biz.

Si De la Hoya, isang 10-time world boxing champion, ay nakipagtambal kay Mexican boxing mogul Pepe Gomez upang ilunsad ang De la Hoya TV: Beyond Boxing. Ginawa ni De la Hoya ang anunsiyo noong Miyerkules sa Miami Beach sa NATPE TV programming convention.

Sinabi ni Victor Hugo Montero, CEO ng De la Hoya TV, na siya ay nasa NATPE upang ialok ito sa cable operators at digital distributors. Ang plano ay ilunsad ito sa susunod na buwan bilang OTT offering at pagkatapos ay bilang cable VOD, at kagyat ay bilang isang linear channel.

Ayon kay De la Hoya, ang nasabing channel ay sa Spanish at, “targeting toward Hispanics here in the U.S.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang mga plano sa programming ay kapapalooban ng mga pagsunod sa top fighters sa kanilang paghahanda para sa kanilang laban at iba pang aspeto ng training. Magkakaroon din ito ng Mexico-centric lifestyle component na nakapokus sa mga destinasyon at hot spots sa bansa.

Si De la Hoya at kanyang mga kasosyo ay hindi na nagbigay ng iba pang detalye ngunit sinabing kumpiyansa silang mag-uumpisa na ang paglulunsad ng channel sa susunod na dalawang buwan.

“This business venture really excites me,” ani De la Hoya.