kevin Durant

MIAMI (AP)- Umiskor si Russell Westbrook ng 19 puntos at sinunggaban ang 10 rebounds, habang nag-ambag si Kevin Durant ng 19 puntos upang itulak ang Oklahoma City Thunder patungo sa 500 mark sa unang pagkakataon sa season matapos ang 94-86 panalo kontra sa Miami Heat kahapon.

Nagposte rin si Durant ng 8 rebounds at 8 assists para sa Thunder, napagwagian na ang 18 sa kanilang huling 26 na mga laro. Nagtala si Reggie Jackson ng 16 puntos at nagsalansan si Anthony Morrow ng 12 sa Oklahoma City.

Kinubra ni Dwyane Wade ang 18 puntos at inasinta ni Chris Bosh ang 16 sa Miami, sumadsad na sa 7-13 sa sariling tahanan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Taglay ni Durant ang 0-for-8 mula sa 3-point range, naipatas ang kanyang second-worst showing sa kanyang karera, at umentra lamang ang Thunder sa foul line ng 10 beses, may kakulangan lamang ng Kalahati sa kanilang team average sa naturang laro.

Binalewala naman nila ito, lalo na nang ang Miami ay magbuslo lamang ng 42 percent sa huling tatlong quarters. Kinuha ng Thunder ang 92 shots, habang ang Miami ay mayroon lamang na 68.

Nagtala ang Miami ng tatlong baskets upang itabla o kunin ang lead sa fourth quarter, subalit sumablay ang lahat na naging dahilan upang muling umalagawa ang Thunder.

Ang 3-pointer ni Jackson sa nalalabing 2:54 sa orasan ang nagkaloob sa Thunder sa 87-82 lead, habang ikinasa ni Westbrook ang sumunod na dalawang baskets, ang ikalawa rito ay naging magaan matapos ang ika-20 turnovers ng Miami, at mapalawig ang kalamangan sa 9 puntos na nagdala sa mga panatiko na magsi-uwian na lamang.

Ang laro ay ang eksaktong midpoint ng nasabing regular season sa magkabilang panig. Itinarak ng Oklahoma City ang 21-20 sa kanilang unang 41 mga laro, habang taglay ng Miami ang 18-23.

Ang jumper ni Morrow upang buksan ang fourth quarter ang nagdala sa Oklahoma City sa 74-67, sa mga oras na iyon ay sinasabing malaking kalamangan ng koponan sa laro. Sadsad ang Thunder sa 9 puntos sa kaagahan ng laro at napag-iwanan na lamang sa 50-49 sa half, subalit tila kinapos ang Miami pagsapit ng third quarter.

Hindi naman naging kaaya-aya ang margin sa third, kung saan ay napagwagian ng Thunder ang quarter sa natatanging 23-17. Ngunit ito ang ika-18 beses sa season na kumulapso ang Miami at humantong sa 20-point mark sa third quarter, na nangangahulugan na kailangang bumangon uli ang Heat sa pagkakataon na ito.

Nawala sa hanay ng Miami ang starting center na si Hassan Whiteside sa second quarter sanhi ng tinamong sprained right ankle. Tumapos si Whiteside na may 10 puntos o 5-for-5 sa shooting, ang tatlo ay sa pamamagitan ng dunks, sa loob ng 11 minutong paglalaro.

TIP-INS

Thunder: Nagtala ang Oklahoma City ng apat na steals sa loob ng 55 segundong lumipas sa unang quarter, ang dalawa ay mula kay Westbrook at dalawa kay Andre Roberson. ... Nagpakuha ng litrato si Durant at kinamayan si U.S. Army Sgt. Ian Vaquero, ang honoree sa araw na iyon bilang bahagi ng Heat’s, ‘’HomeStrong’’ program. ... Humantong ang Thunder sa 28-13.

Heat: Nagkaroon si backup center Chris Andersen ng kakaibang sequence sa second quarter, nagsalaksak ng bola sa harap ni Durant sa isang pagkakataon, bukod pa sa isinalansan na 3-pointer, ang kanyang ika-8 sa kanyang karera, matapos na makipaggitgitan ang Heat sa posesyon. ... Isinuot ng Miami ang bagong ‘’black tie’’ uniforms, ang men’s formal wear ng koponan. ... Umentra si Wade sa kanyang ika-750 regular-season game. ... Ikinasa ni Bosh ang pagtatabla kasama si Glen Rice patungo sa No. 7 spot para sa Miami’s all-time rebound list.