Isang Pinoy nurse ang nahaharap sa 36 na reklamo sa isang korte sa Manchester, United Kingdom, kabilang ang tatlong kasong murder, dahil sa umano’y pagkokontamina at pagbabago ng dami ng gamot na ibinibigay sa kanyang pasyente sa Stepping Hill Hospital sa Stockport, Manchester.

Pinabulaanan ni Victorino Chua, 49, ang lahat ng paratang na kinabibilangan din ng grievous bodily harm with intent, 23 kaso ng attempted grievous bodily harm, walong kasong attempting to cause a poison to be administered, at isang administering a poison.

Hindi pa rin nakapaglalatag ng plea sa korte si Chua.

Nangyari umano ang pagkakasala ni Chua mula Hunyo 2011 hanggang Enero 2012.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Suot ang puting T-shirt na nakapangibabaw sa grey sweat shirt, humarap si Chua kay Hon. Mr. Justice Openshaw ng Manchester Crown Court sa pagsisimula ng paglilitis noong Martes.

Sinabi ni Prosecutor Peter Write na noong summer ng 2011, sinadya umano ni Chua na kontaminahin ang mga healthcare product sa dalawang ward ng Stepping Hill Hospital.

Noong Enero 2012, sinabi ni Wright na may isang tao na sadyang binago ang medical note ng mga pasyente upang dagdagan ang dami ng gamot na ipinaiinom sa mga ito.

Inaresto si Chua ng Manchester police noong Enero 5, 2012.