Nakahakbang palapit sa pagbawi ng titulo sa juniors division ang University of Perpetual Help nang kanilang walisin ang nakatunggaling Lyceum of the Philippines University (LPU), 25-19, 25-19, 25-11, kahapon sa Game One ng kanilang best-of-3 finals series para sa NCAA Season 90 volleyball tournament sa San Juan Arena.

Muling nanguna para sa Junior Altas ang kanilang ace hitter na si Malden Deldil na nagtala ng 14 puntos, kabilang dito ang 10 hits at 3 blocks habang nag-ambag naman ang mga kakampi na sina Vincent Recamara at Ricky Maracos ng 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Tanging si Jomaru Amagan naman ang tumapos na may double digit performance para sa first timer at finalist Junior Pirates na nagtala ng 10 hits at 1 block para sa kabuuang 11 puntos.

Kailangan na lamang ng Junior Altas ni coach Sandy Rieta na talunin ang Junior Pirates bukas para makamit ang ikapito nilang pangkalahatang titulo at mabawi ang korona na huli nilang nahawakan noong 2010.
National

MMDA gagamit ng high-tech mobile command center sa SONA