Dalawang preso ang nasugatan sa loob ng medium security compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City matapos mag-amok ang isang bagong gising na bilanggo kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni NBP Officer-in-Charge Superintendent Richard Schwarzkopf ang dalawang preso na sina Michael Tibag at Mariano Bierso na ginagamot sa NBP Hospital sanhi ng “superficial at minor wounds” matapos silang saksakin gamit ang isang scalpel (ginagamit sa paglililok) ng kapwa bilanggo na si Mikael Ilig.

Ayon sa ulat ni Schwarzkopf, dakong 11:30 ng umaga nangyari ang insidente sa loob ng medium security compound sa NBP.

Sinasabing naalimpungatan at tila masama ang gising ni Ilig dahilan para atakehin ng saksak ang kasama sa selda na sina Tibag at Bierso.

National

Sultan Kudarat, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

Ito ang unang pagkakataon na nasangkot sa gulo si Ilig kaya pinagsabihan siya ng kasamang senior inmates sa selda.