NATAPOS ang pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas noong Linggo ng Enero 18, 2014 sa pamamagitan ng isang makabuluhang misa na ginanap sa Luneta. Ginanap ang misa kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Santo Niño, isang makahulugang araw para sa lahat ng mga Katolikong Pilipino. Karamihan sa mga dumalo sa huling misa ng Papa ay may bitbit na imahe ng Santo Niño, mga rosaryo at lahat ay nag-cheer, nagdasal, at taimtim na tinanggap ang bendisyon ni Pope Francis. Ibinida ng Santo Papa ang kabataang Pilipino sa isang banda ng kanyang homiliya.
Hindi matatawaran ang bigat at init ng pagtanggap ng mga Pilipino sa Santo Papa, katunayan nito ay hindi lamang mga ordinaryong tao ang dumalo sa huli niyang misa kaya nakita ang pagsasama-sama ng ilang mga kilalang tao o artista, Kapamilya (ABS-CBN) man, Kapuso (GMA-7) o Kapatid (TV5). Hindi lubos maisip ng nakararami ang sakripisyo ng bawat Pilipino na dumalo sa misa kahit patuloy ang pag-ulan noong Linggo, hindi sila napigil upang makapiling ang Santo Papa sa huling pagkakataon. Nagsakripisyo, nagbigay ng oras at ipinakita ng bawat isa ang bayanihan mapaartista man o ordinaryong tap.
Ang ilan sa mga dumalo sa misa ng Santo Papa sa Luneta ay ang ating butihing Presidente Benigno Aquino III kasama ang kanyang pamilya sa pangunguna ng magkapatid na sina Ballsy, Pinky at Kris Aquino kasama ang dalawa nitong anak na sina Bimby at Josh. Ibinahagi ng Queen of All Media sa kanyang Instagram account @beingkrisaquino ang isang litrato ng presidente kasama ang kanyang dalawang anak na sinuong ang ulan, na may caption na, “Picture was taken before Mass started. I really obeyed when it was announced that no pictures please during Mass. When I was about to take the picture PNoy said: ‘Instagram na naman?’ I said please pagbigyan na ko, super cute naman the 3 of them, and it’s a mother’s joy to take pics of her sons. And anyway no signal in Luneta, so late upload.”
Idinagdag ng Queen of All Media na, “After the Mass, when Pope Francis was waving from the Popemobile, Bimb said: ‘Thank you God, this was the best experience ever.’ #PapaFranciscoMahalngPilipino #PopeFrancisisourSunshine.”
Nakisiksik din si Bianca Gonzales-Intal kasama ang kanyang asawang si JC Intal para marinig nang personal ang misa ng Santo Papa. Ayon sa Instagram account niyang @iamsuperbianca: “One with the crowd under the rain and wind. So worth it. Viva ll Papa! Papa Francesco! Mahal na Mahal na Mahal ka namin. #UNLISMILE #PopeFrancisPH.
Ang ilan pa sa mga artistang nakisama sa misa kahit mahangin at malakas ang ulan ay si Leyte 4th Disctrict Representative Lucy Torres-Gomez, si Erik Santos, si Ina Feleo, sina Bubbles Paraiso, Rodjun Cruz, Jason Abalos at ang kasintahan na si Vicky Rushton na nagsabing napakagandang regalo sa kanyang kaarawan ang makadalo sa misa ng Santo Papa.
Namataan din sa Luneta nang araw na iyon si Cherry Pie Picache na nag-post sa kanyang Instagram account na @yescppicache: “Today will be a day for keeps. God definitely surprised and blessed us this morning. I was praying that even a glimpse of Pope francis is enough. After riding the tricycle, walking thru a sea of people, standing, waiting from dawn to light, dry to being wet, a most wonderful gift, seeing Pope Francis an arm’s length away right in front of us sharing with the people you don’t know, students, nuns, men in uniform, my parlor mate @AliSotto was priceless. Mama, I know you were with us the whole time. Ani ni Cherry Pie kasama ang pamilya at kaibigang si Ali Sotto.
Dagdag pa niya, “Let us tell the world of His Love. Let us begin again to be the light of God’s mercy and compassion. Let’s continuously pray for our Pope. #PopeFrancisTYSM.”
Tinatayang anim na milyon katao ang dumagsa para dumalo sa huling misa ng Santo Papa na nagtala ng record bilang pinakalamaking kongregasyon sa Catholic Mass at nagpakita sa buong mundo ng malalim na pananampalataya sa Diyos ng mga Pilipino. Umalis ang Santo Papa noong Lunes ng umaga Enero 19, 2014 lulan ng Shepherd One ng Philippines Airlines.