Tama sa lahat ang naging mensahe ni Pope Francis na tigilan na ang kurapsyon sa kanyang limang-araw na pananatili sa bansa.

Ganito ang paglalarawan ni Senator Grace Poe ng hingin ang kanyang interpretasyon hinggil sa mensahe ng Santo Papa sa isyu ng kurapyon sa bansa.

Aniya, lahat ng nasa gobyerno ay dapat isipin at sundin ang binanggit ng Santo Papa upang maging maayos ang ating pamahalaan.

“It applies to all in the government,” ayon kay Poe.
Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25