SA panayam kay Jed Madela sa isang private event, hindi naitago ng singer ang kanyang  emosyon sa kanyang pinagdadaanan ngayon.

Jed-Madela-copy-200x300Nagpahayag si Jed na nawalan siya ng boses noong pagtatapos ng nakaraang taon. Sa mga nangyari sa kanya, pinasalamatan niya ang kanyang tito at tita na umaasikaso sa kanya noong panahong nagkakaproblema siya.

“These people are the ones who need the applause. Kasi eversince I started, sila talaga ‘yung nagpu-push sa akin,” pahayag ni Jed na namumuo ang luha habang nagkukuwento sa video na napanood sa YouTube (in-upload ng isa niyang supporter).

“Last month, nawala ‘yung boses ko and nobody was there,” dugtong pa ng biriterong singer. “Siyempre, ‘yung pamilya ko sa Iloilo, they kept calling  but it was  different. Sina Tito at Tita were there  beside me every step of the way. So thank you.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pagkatapos ng kanyang matinding pagsubok ay blessed ang pakiramdam ni Jed dahil isa siya sa mga inimbitahang kumanta sa “Encounter With The Youth” during Pope Francis visit sa University of Santo Tomas last Sunday.

At mukha ngang blessed na si Jed dahil okay na ang kanyang boses nang kantahin niya ang Light of A Million na sinabayan ng palakpakan mula sa libu-libong dumalo sa event.

Kasama niyang nag-perform sa UST ang kapwa ASAP singers na sina Angeline Quinto, Jamie Rivera, at Lyka Gairanod with Darren Espanto ng The Voice Kids Philippines.