enrique-at-liza-copy

NAPAKALAKI ng impact at ang ‘power of love’ na hatid ng kilig-seryeng Forevermore, handog ng ABS-CBN na kumalat na rin worldwide via The Filipino Channel (TFC).  Kaya hindi nakakapagtaka na lagi itong nangunguna sa ratings sa ‘Pinas at big hit din online maging sa buong mundo.

Batay sa latest viewership survey ng Kantar Media Philippines, nakapagtala ang serye na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil ng 25% sa nationwide TV rating, pinakamataas sa mga katapat na shows sa ibang channels.

Ang nakakatuwa ay nakatulong ng malaki ang Forevermore sa tourism sa Benguet. Sumabay kasi sa mataas na ratings ng serye ang pagdami rin ng mga kababayan natin na dumadayo sa Tuba, La Trinidad, Benguet, para magpakuha ng pictures sa location ng show. 

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Naging tourist attraction na kasi ang fictional na Sitio La Presa sa Tuba, La Trinidad na originally ay Sitio Pungayan. Dinarayo ito ng mga turista na lalong bumuhos no’ng nakaraang holiday season. Ayon sa televiewers/tourists ay gusto nilang ma-experience ang kaakit-akit na mga tanawin sa lugar at para magkaroon din ng pagkakataon na makakuha ng photo kasama ang cast.

Pero bukod kasi sa Sitio La Presa, na kapag pinupuntahan at dumadaan sa pagkaganda-gandang pasikut-sikot na kalsada paakyat sa highest point ng location, ay may ilan pang famous spots location ang Forevermore kasama na ang Burnham Park, Wright Park  at ang The Monorwhich. Ang The Monorwhich ay ang tinutuluyang hotel ni Enrique sa series at kunwari’y pag-aari  nila sa istorya.

Aliw na aliw ang mga kababayan natin sa pagsubaybay sa ibang bansa sa Forevermore dahil naiibsan daw ang kanilang pangungulipa. Gustung-gusto rin nila ang thrill of falling in love for the first time sa serye na napapanood on TFC worldwide mula  Monday to Friday (Tuesday to Saturday, Australian Daylight Savings Time or ADST, New Zealand Daylight Savings Time or NDST, and Guam time).  

Ang every kilig episode via TFC.tv ay ipinapalabas right after its Philippine airing and through TFC’s video-on-demand or VOD (Internet Protocol television or IPTV) service available in the U.S.A., Canada, Europe, Australia, New Zealand, and Japan.