Enero 22, 1521 nang simulang pamunuan ni Emperor Charles V ang Diet of Worms, na naging general convention ng Holy Roman Empire territory. Sa political convention tinalakay ang iba’t ibang isyu ng simbahan at bansa.
Inimbitahan ang Protestantism leader na si Martin Luther upang ito ay tanggihan o kumpirmahin ang paniniwala at siguruhing ligtas ang patutunguhan ng nasabing Diet. Abril 16 nang dumalo si Luther sa isang diet session habang tinanong siya ng assistant ng Archbishop of Trier na si Johann Eck kung ang mga prinisintang libro ay gawa niya at kung ang mga itinuturo ay nanggagaling sa libro.
Nang sumunod na araw, sinagot ni Luther na hindi niya hinihingi ang opinyon ng mga pope at council sa kanyang spirituwal na buhay, at hindi niya pinagsisisihan ang mga pinaniniwalaan bilang Protestant.
Nagtapos ang Diet noong Mayo 25, 1521 habang ipinakakalat ng Emperador ang Edict of Worms kung saan ito ay kinukonsidera ni Luther na heretic.