Derek-Ramsay

BUKOD pala sa Mac & Chiz ay may isa pang programa si Derek Ramsay sa TV5 na magsisimula naman sa Pebrero, ang reality show na Extreme Series, Kaya Mo Ba Ito.

Sa Mac & Chiz ay susubukang magpatawa ni Derek na gaganap bilang kakambal ni Empoy Maruez na alam naman nating sa hilatsa pa lang ng mukha ay comedy na.

Samantalang reality show naman ang Extreme Series, Kaya Mo Ba Ito at makakasama ng aktor ang mga tinaguriang Mr. Pogi sa The Amazing Race Philippines at iba pang finalists.

National

Gabriela Rep. Arlene Brosas, tatakbong senador sa 2025

Extreme sports ang ipapamalas ni Derek sa programa na ang tsika sa amin ng taga-TV5 ay, “Extreme sports like tatalon sa matatas na building, bungee jumping, parachuting / skydiving, at iba pa, so masusubok si Derek kung gaano kalakas ang loob niya at talagang hindi siya takot.”

Mukhang sisiw lang sa aktor ang mga gagawin niya dahil sa frisbee ay ilang beses na siyang nabalian sa iba’t ibang parte ng katawan niya, kaya sabi nga niya ay puro bakal na ang laman ng katawan niya.

Samantala, gayong sa Pebrero ang airing ng Extreme Series, Kaya Mo Ba Ito ay sa Marso naman mag-i-expire ang kontrata niya sa Singko. Naging maagap ang TV5 na bigyan ulit ng programa si Derek para mag-renew ng kontrata, tama ba, Bossing DMB?

(Ganito yata dapat ang tanong: tama ba, Ms. Peachy ng TV5 corpcomm? --DMB)

Pero base rin naman sa pahayag ng aktor sa launching ng mga programa ng TV5 ngayong 2015 ay walang dahilan para hindi siya mag-renew dahil maganda ang trato sa kanya ng nasabing network at wala naman naging problema sa nakaraang tatlong taon simula nang lisanin niya ang ABS-CBN.

Lifted na ang ban ni Derek sa Dos dahil nakakalabas-pasok na siya sa nasabing network at sa kasusulat lang namin na kasosyo ang Star Cinema sa pelikulang pagsasamahan nila ni Kris Aquino.

Bukod dito ay may solo movie ring gagawin si Derek na ididirek ni Toto Natividad para sa CineBro under the umbrella of Star Cinema rin katulad ng Skylight Films.

Ang tsika sa amin ng taga-Dos ay nag-i-expand na talaga ang Star Cinema dahil magpo-produce na rin daw ng mga pelikula na pang pay-per-view na mapapanood naman sa cable channel ng ABS-CBN.

Ang alam namin ay magsisimula o nagsimula nang mag-shooting si Derek ng solo movie niya na may tentative title na Crocodile Hunter. Wala pang sinasabi sa amin kung sino ang leading lady ni Derek dahil on the works pa lang daw.

Tapos na ang unos sa buhay ni Derek dahil naayos na ang problema nila ng ex-wife niya tungkol sa visitation rights niya sa anak nilang si Austin na labing-isang taong gulang na ngayon.

At heto, puwede nang tumawid ang aktor sa TV5 at Star Cinema at siyempre, makakapag-promote na rin siya sa mga programa ng ABS-CBN kung ipapalabas na ang dalawang pelikula niya.

Bukod dito ay mukhang happy rin ang lovelife ni Derek ngayong 2015 dahil inamin niyang may nonshowbiz girlfriend siya.

Ikaw na, Derek Ramsay!