PORTLAND, Ore. (AP)– Hindi maglalaro si Trail Blazers All-Star LaMarcus Aldridge ngayong laban sa Phoenix Suns dahil sa isang left thumb injury.

Nasaktan ang hinlalaki ni Aldridge sa second quarter sa kanilang 98-95 panalo laban sa Sacramento Kings noong Lunes.

Sinabi ng Blazers na ang 6-foot-11 power forward ay sumailalim sa evaluation ng isang espesyalista noong Martes at isang MRI ang nakaiskedyul ngayong linggo.

Walang timetable para sa kanyang pagbabalik, sabi ng koponan.

IPOPHL's, nag-react sa mathematical discovery ng guro sa Quezon

Pinangunahan ni Aldridge ang Blazers (31-11) sa kanyang averages na 23.5 puntos at 10.4 rebounds kada laro. Una nang bahagyang humina ang front line ng Portland dahil sa patuloy na pagkawala nina Robin Lopez (wrist) at Joel Freeland (shoulder).