CAMP DANGWA, Benguet – Kinasuhan na ng Abra Police Provincial Office ng homicide at alarm and scandal ang suspek ng ligaw na bala mula sa pinaputok na baril noong Bagong Taon ay nakapatay sa isang mag-aaral sa elementarya sa Tayum, Abra.

Sinabi ni Senior Supt. Albertlito Garcia, provincial director, na si Henry Trinidad Tejero, ng Barangay Deet, Tayum, ang itinuturo ng mga testigo na nagpaputok ng walang lisensiya niyang .45 caliber pistol na pumatay kay Jercy Buenafe Tabaday, ng Bgy. Bumangsat, Tayum.

Namatay ang bata habang inooperahan sa Abra Provincial Hospital para kunin ang bala na bumaon sa kanyang ulo.

Ayon pa kay Garcia, inatasan na ang Special Investigation Task Force Tabaday ng Police Regional Office-Cordillera na bilisan ang imbestigasyon para agad na mabigyang-katarungan ang pagkamatay ng bata.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Isang oras makaraang mamatay ang paslit ay inihayag na ng PNP Civilian Pro-peace Supporters ang pag-aalok ng P100,000 pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikadarakip ng suspek at makalipas ang isang linggo ay itinaas ni Governor Eustaquio Bersamin ang reward sa P200,000.