Nakaburol na ngayon sa Barangay Camarin sa Caloocan City ang apat sa 11 lalaki na namatay matapos matabunan ng gumuhong pader sa kinukumpuning bodega sa Guiguinto Bulacan, noong Martes ng hapon.

Dakong 9:00 ng gabi nang dalhin sa kanilang bahay sa Camarin ang labi ng magkapatid na sina Jacinto at Rodolfo Nayanga at kanilang mga pinsan na sina Jonathan Sagayap at Edmond Labagala.

Hindi napigilang lumuha ng mga kaanak ng mga namatay nang makita ang bangkay ng mga biktima.

Nabatid na residente sa Camarin ang apat na biktima na kinuhang trabahador ng contractor para gumawa ng warehouse sa Bulacan.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Ayon kay Mary Grace Nayaga, anak ni Rodolfo, binigyan sila ng may-ari ng ginagawang warehouse ng financial assistance na P15,000 para sa pagpapalibing at P50,000 para sa gastusin sa lamay.

May nilagdaang papel ang bawat naulilang pamilya subalit aminado ang mga ito na hindi sila komunsulta sa abogado.

Nakalagay lamang sa nilagdaang papel ang halaga ng financial assistance pati na ang mga pangalan ng namatay at ang tatanggap ng pera.