ANTIPOLO CITY - Patay ang isang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga habang naaresto naman ang babaeng kasama niya matapos siyang makipagbarilan sa mga operatiba ng Antipolo City Police, kahapon ng umaga.

Ayon sa report ng Antipolo City Police kay Rizal Police Provincial Office director Senior Supt. Bernabe Balba, ang napatay ay si Miguel Villareal, alyas Daddy Mike at Kuya Mike, nasa hustong gulang, nakatira sa Esguerra Compound sa Barangay Mayamot, Antipolo City.

Arestado naman ang kasama ni Villareal na si Maribeth Galivo, 22, may live-in partner, ng Sitio Peñafrancia, Bgy. Mayamot, Antipolo City.

Nakuha ng pulisya kina Villareal at Galivo ang isang revolver na may tatlong bala, isang itim na belt bag, isang plastic sachet na may laman na 72 gramo ng shabu, isang digital scale, dalawang cell phone at P2,000 cash.

DSWD, ipinag-utos ang agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ni Carina