Sarah-Ronnie-copy-500x500

DAHIL sa blind item namin tungkol sa kilalang aktor na nawalan ng maraming offers dahil hinaharang o hindi naasikaso ng road manager ay naalala namin si Ronnie Liang.

Ilang taon na naranasan ng binatang singer na mawalan ng projects at kung mayroon man ay pasulput-sulpot lang kaya sa katagalan ay siya na mismo ang umayos ng schedules niya at nakikipag-negotiate sa mga kakilala niyang producer.

Pero hindi rin kasi maganda na ang artist ang nakikipag-negotiate sa kliyente kasi nawawalan ng premium at dahil dito ay si Ronnie mismo ang lumapit kay Boss Vic del Rosario para i-manage siya na labis namang ipinagpapasalamat ngayon ng binatang singer dahil kaliwa’t kanan ang shows niya sa ibang bansa kasama pa sina Sarah Geronimo at Anne Curtis.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Nakita naming nag-post si Ronnie sa kanyang Facebook kamakailan na kamuntikan na siyang maiwan ng eroplano patungong Los Angeles, USA kasama si Sarah dahil kasalukuyan pala siyang ini-interview sa US Embassy.

Kaya’t nagpadala kami ng direct message sa kanya sa FB kung ano ang nangyari at sumagot naman kaagad si Ronnie.

“Hi Reggee, nandito kami ni sarah sa US for series of concert/shows; January 15 Chumas (Resort) Sta. Ines California, January 16 at sa January 17 sa Pechanga (Resort & Casino) Sta. Barbarra, California.

“First time ko po na-experience na ma-interview sa US embassy na right after interview ‘pag na-approve lipad kaagad papuntang US, muntik po ako maiwan ng eroplano.

“‘Tapos super tindi ng trafic talaga na kinakula ko na mga motor sa daan na makikiangkas ako para mabilis ang takbo but thank God nakaabot talaga mabuti na lang din delayed ang flight namin,” kuwento ni Ronnie.

At sobrang saya rin ng binatang singer dahil, “First time ko po makasama kay Sarah dito sa US para mag-concert, first project ko po ito with Viva ngayong 2015, super thankful ako kay Sarah na makasama niya ako sa concert niya dito sa Amerika and nagpapasalamat ako sa Viva kina Boss Vic at Ma’am Veronique (del Rosario-Corpus), Boss Vincent sa pagbibigay nila sa akin ng opportunity at mga project lalo na shows sa abroad and makasama si Sarah.

“Pagbalik ko naman po sa atin sa ‘Pinas magpo-promote ako ng new album ko under Universal records, TV promo, radio tour and mall tour para i-promote ang album Songs of Love (nakita rin namin sa post ni Ronnie sa FB niya nag nag-shoot na rin sila ng music video nito).

“Pagbalik ko rin po magsi-celebrate ako ng birthday (January 31) sa Philippine Children’s Hospital sa mga batang may cancer. Pinangako ko din po na magsi-celebrate ako sa kanila, pang-5 years ko na po nagsi-celebrate kasama mga batang may cancer,” mahabang kuwento ni Ronnie.

Binalikan namin ng tanong si Ronnie na maraming beses na siyang nag-renew ng US Visa niya bakit sinasabi niyang first time na mangyari na lipad kaagad pagka-approve.

“Yup maraming beses na na-interview for US shows pero usually after a week doon pa lang ang alis namin for show or concert abroad pero ngayon palang ‘yung right after interview lipad kami kaagad,” paliwanag ng Viva artist.

Grabe, paano pala kung hindi na-approve ang visa, e, di naiwan siya?

At dahil maganda ang takbo ng career ni Ronnie sa Viva at gusto rin siya nina Boss Vic, Vincent at Veronique ay muli siyang nag-renew ng 3-year contract.

Samantala, super successful daw ang show nila ni Sarah sa dalawang venue sa California at bumalik na ang dalagang singer noong January 18 pero nag-extend si Ronnie hanggang Enero 25 at sa Enero 31 ang balik ng bansa.