Enero 21, 1813 nang magtanim ang Spanish advisor na si Don Francisco de Paula y Marin ng pinya na nagmula sa South America, sa Hawaii. “This day I planted pineapples and an orange tree,” isinulat ni Marin sa kanyang journal.

Simula noon ay isinulong na ng mga manlalakbay na Spanish at European ang pinya sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Binitbit ng mga mandaragat na Espanyol ang mga pinya sa kanilang paglalakbay upang maiwasan ang scurvy, isang sakit na nagdudulot ng anemia at panghihina ng katawan.

“Hala kahiki,” ang tawag ng Hawaiians sa pinya, na ang ibig sabihin ay “plant of Tahiti.”

National

Dela Rosa kapag ibinigay ni Escudero ang transcript sa ICC: ‘I will try to question him'

Taong 1900 nang magsimulang magtanim si James Dole ng pinya sa Hawaii. Itinatag naman ng Dole at Del Monte ang kanilang mga plantasyon ng pinya noong 1901 at 1917, ayon sa pagkakasunod. Noong 1920, ang prutas ang naging pinakamalaking industriya sa Hawaii.

Isa ngayon ang pinya sa mga pangunahing tanim at pinakakilalang simbolo ng Hawaii. Ngunit noong 2007 ay isinara ang lahat ng planta ng pinya sa lugar.