Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) ang mababang bilang ng krimen na naitala sa Metro Manila sa pagbisita ni Pope Francis nitong Enero 15-

19.

Sa tala ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nasa 14 lang ang nai-report na krimen noong Sabado at Linggo.

Ayon sa NCRPO, mababa ito sa 94 na krimen na karaniwang naitatala ng himpilan araw-araw bago dumating ang Santo Papa.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ang mga naitalang krimen ay kinabibilangan ng shoplifting sa isang mall, hit and run sa Quezon City, pagsabog ng isang granada sa Navotas City, anim na kaso ng pagnanakaw ng motorsiklo, pamamaril at pananaksak.

Kabilang sa mga naaresto noong Lunes ang isang tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa pagdadala ng baril, at ang photographer na si Michael Sy Yu na dinakip sa pagpapalipad ng drone camera sa Roxas Boulevard habang paalis ang Santo Papa.

Tatlong sunog naman ang naitala sa Maynila, Quezon City at Valenzuela City.