Socorro_Church_02_Escandor_190115-for-Page-4-619x412

Wala pang katiyakan kung bibisitang muli sa Pilipinas si Pope Francis sa 2016 para dumalo sa International Eucharistic Congress (IEC) sa Cebu City.

Ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, hindi pa nakapagbibigay ng tugon ang Vatican sa imbitasyong ipinadala nila sa Santo Papa para dumalo sa naturang aktibidad.

Gayunman, maaari aniyang pagdating ng Santo Papa sa Rome ay saka nito pag-isipan kung babalik ito sa Pilipinas sa susunod na taon.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

“Siguro, gusto muna niyang umuwi sa Rome at doon pag-iisipan kung babalik pa sa Enero,” ani Tagle.

Kinumpirma naman ni Tagle na matagal nang naipadala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa Santo Papa ang imbitasyon para sa IEC 2016.

Idaraos ang IEC sa Enero 2016 mula sa orihinal na schedule na Setyembre 2016, batay sa kahilingan ng Vatican upang tumugma sa schedule ng Santo Papa.

Napaaga lang ang pagbisita ng Papa sa Pilipinas matapos na salantain ng bagyong ‘Yolanda’ ang ilang bahagi ng bansa noong Nobyembre 8, 2013.