Sasambulat ang ika-22 taon ng National Collegiate Regional Athletic Association (NCRAA) ngayong Huwebes, Enero 22, tampok ang PBA Hall of Famer na si Alvin Patrimonio bilang guest of honor sa Makati Coliseum.
Sinabi ni NCRAA Season 22 president Crispulo Onrubia ng Philippine Merchant Marine School (PMMS) na anim na miyembrong unibersidad ang magsasagupa ngayong taon kung saan asam ng De La Salle University – Dasma na masungkit ang ikaapat nitong sunod na pangkalahatang korona.
“Our theme this year is Stronger at 22,” sabi ni Onrubia, kung saan nakasama nito sa forum si Fidel Rojales ng DLSU-D na siyang PRO at si Gerardo Sergio IV bilang secretary general.
Hindi na makakasama ng liga ngayong taon ang dating miyembro na St. Claire na kasalukuyang nagpapartisipa sa PBA D-League habang hinihintay nito na muling lumahok ang PATTS at magkumpirma ng kanilang partisipasyon ang St. Dominic College of Asia (SDCA) at ang Technoligical Institute of the Philippines (TIP).
“We wanted as much as possible that our league is about grassroots development. St. Claire is now in a high level tournament that is why they cannot participate this year,” sabi ni Sergio IV.
Magsasagupa ngayong taon ang host na PMMS, DLSU-Dasma, Emilio Aguinaldo College-Cavite, Olivarez College, Philippine School of Business & Arts (PSBA) at TIP.