GERONA, Tarlac - Arestado sa kasong robbery extortion ang isang hinihinalang rebelde na nakakulimbat ng malaking halaga mula sa isang negosyante sa Barangay Abagon, Gerona, Tarlac, noong Lunes ng umaga.

Inaresto sa entrapment operation si Romulo Manicdo, 35, ng Bgy. Poblacion 1, Gerona, Tarlac, na pinaniniwalaang kaalyado ni Kumander Fortunato Amparo, ang tinaguriang God Father of Central Luzon.

Ayon sa report, tinawagan umano ni Amparo ang negosyanteng si Samson Eslabra, 55, may asawa, ng nasabing barangay hinggil sa revolutionary tax at nagbigay naman ang huli ng mahigit P20,000.

Simula noon ay regular nang humihingi ng revolutionary tax si Amparo kay Eslabra, na kinukuha umano ni Manicdo hanggang ipaalam na ng negosyante sa pulisya ang extortion.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente