Vina-Morales-copy

MINSAN nang nanalo si Vina Morales ng Best Actress for TV sa pagganap niya bilang si Oriang sa drama show of the same title. Kaya marami ang nag-wish sa kanya na manalo muli ng best actress sa katatapos na Metro Manila Film Festival awards night, sa pagganap niya bilang si Oriang sa Bonifacio: Ang Unang Pangulo nila ni Robin Padilla. 

Pero si Jennylyn Mercado ang nanalo para sa English Only, Please.

“Kung hindi man ako nanalo ng best actress award, okey lang sa akin,” sabi ni Vina.  “Hindi talaga sa akin ‘yon.  Pero I’m looking forward sa mga susunod na award-giving bodies, malay natin baka may magbigay sa akin noon.  Baka may makapansin sa acting ko sa Bonifacio.”

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Biniro tuloy si Vina kung ano ang mas hinihiling niya ngayong 2015, acting award o magandang lovelife?

“Mahirap yatang sagutin, p’wede bang pareho kong matanggap ang dalawang bagay na “yon,” natatawang sagot niya. “Pareho ko iyong ipinag-pray kay Padre Pio, devotee po kasi niya ako. Nasa list ko kasi ‘yan, hindi ko lang alam kung ano ang dapat mauna. Pero parang nauna yata iyong lovelife. Yes, may mga manliligaw naman ako ngayon, mas okey ‘yung flow.  Hindi sila taga-showbiz.  Pero may mga nagti-text din na taga-showbiz, pero hindi ko sila masyadong siniseryoso. Text lang naman, wala pang seryosong nanliligaw.  But I’d rather date someone na hindi sa show business, para naman maiba. I don’t mind if he’s older or younger, siguro, kung magsuswak siya sa akin at kung may mararamdaman akong spark.”

Inamin ni Vina na matagal-tagal na rin siyang walang karelasyon.

“Medyo nahirapan akong magtiwala or I was really hurt sa first relationship ko. Saka hindi pa rin ako ready noon.  Ang first priority ko kasi noon ang daughter ko, si Ceana.  But now that she’s already five, parang naisip ko, I also need time for myself, hindi ba?  Siguro right time na rin para isipin ko naman ang sarili ko. 

“But for the meantime, ang focus ko muna ay ang bago kong project sa ABS-CBN, ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita. Yes, inaamin ko na may pressure sa akin ang role na ibinigay nila, si Cecilia Natividad, na unang ginampanan ni Ms. Susan Roces sa movie version nito noong 1986. Pero para sa akin, ayaw ko itong isiping pressure, kundi isang challenge para pagbutihin ko ang pag-arte ko.”