BINUKSAN ng GMA Artist Center stars at Save the Children Ambassadors na sina Mikael Daez at Kylie Padilla ang kanilang taon sa pagdiriwang ng kanilang kaarawan kasama ng mga mag-aaral sa Pag-asa Elementary School sa Caloocan City.

Noong Enero 11, nakihalubilo sina Mikael at Kylie sa mga bata at naghandog ng masigla at hitik sa sayang programa.

Binigyang buhay nina Mikael at Kylie ang mga kuwento sa libro sa masiglang pagbabasa nila sa storytelling portion ng programang inihanda ng Save the Children organization.

Humigit-kumulang 70 bata na edad pito hanggang siyam ang nakisaya at nakigulo sa dalawang Kapuso stars.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“It’s nice seeing them smile because of what you do for them. It’s a simple thing for us, yung mag-act ng konti or magbasa sa kanila, pero it’s a big deal dahil nakikita mo yung effect ng ginagawa mo sa ibang tao,” ani Mikael.

Bukod sa paghahandog ng kanilang talento sa pag-arte at pagbibigay kulay sa imahinasyon ng mga bata, pinangunahan nila ang isang feeding program na hindi lamang tiyan ng mga bata ang binusog kundi pati na rin ang kanilang puso at isipan.

“This is the way I want to extend the blessings I receive, kasi these children are so pure. And I know that helping them experience a happy childhood can be an inspiration to them,” hayag naman ni Kylie.