NANGHIHINAYANG ang kilalang aktor dahil kaliwa’t kanan ang offers sa kanya para mag-show sa iba’t ibang lugar ng bansa pero hindi niya natatanggap dahil hinaharang ng road manager niya.

Kuwento sa amin ng kampo ng aktor, nalaman lang niya ang mga offer nang makausap mismo niya ang mga agent o producer ng shows na kinukuha siya pero parati raw sinasabi ng road manager ng, “busy at maraming shows” gayong wala naman daw.

Heto ang buong kuwento: “Sayang nga kasi siyempre malaki ring tulong iyon lalo’t wala namang regular show ngayon si _____ (kilalang aktor), so sa mga raket-raket lang siya bumabawi, eh, hinaharang kasi may shooting o may guest appearance, eh, hindi naman natutuloy.

“‘Pag ipinakikiusap naman sa road manager si _______ (kilalang aktor) na baka puwedeng sumaglit lang kasi malapit lang naman ang venue, hindi rin puwede kasi on-call daw sa shooting, ending pack-up naman pala.”

National

Patutsada ni Hontiveros: Guo, nakakapag-Facebook pero 'di makaharap sa Senado

Parang narinig na namin ang ganitong kuwento sa isang aktor din na suki sa mga live show pero hinaharang din ng handler at ang ibang alaga ang ibinigay.

Kaya ang ending, umalis na si Aktor sa handler niya at lumipat sa iba na ngayon ay mas natutukan siya at mas maganda ang takbo ng career.

“’Yung iba kasi, kung saan sila nakikinabang na artista, iyon ang pinu-push nila, kapag walang pakinabang, waley ka.”

Napaisip tuloy kami, kasi hindi naman kuripot ang kilalang aktor at generous pa nga at ang alam namin ay may regalo siya sa lahat ng taong nakapalibot sa kanya.

“Eh, baka kasi inisip ng road manager hindi kailangan ng pera kasi generous magregalo,” katwiran ng kampo ng aktor.

Susme, mabuti na lang at may planong magbakasyon ang kilalang aktor sa ibang bansa, baka sakaling ma-miss siya ng road manager o handler niya.