“NO law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances.” – Section 4, Article III-Bill of Rights, Philippine Constitution. Ito ang basic law na naggagarantiya sa malayang pamamahayag sa ating bansa. Halos katulad ito, sa bawat salita, ng Amendment I sa Bill of Rights ng United States Constitution.

Habang walang ganoong probisyon ang iba pang bansa sa kani-kanilang saligang batas, ang malayang pamamahayag at ang press ay naging isang huwaran sa daigdig ngayon. Ang mga editor ng Charlie Hebdo, isang French satirical magazine, ay inilutang ang huwarang ito nang ilabas nila ang marming cartoon na naglalarawan sa propetang Mohammed ng Islam.

Ang mga Muslim, lalo na ang mga Sunni Muslim, ay tinuligsa ang mga debuho ng Propeta, sapagkat hinihimok umano nito ang idolatriya. Kaya, isang magkapatid na Muslim ang kumilos laban sa Charlie Hebdo; sinugod nila ang tanggapan nito at pinagbabaril ang editor-in-chief, limang karikaturista, at marami pang staff member.

Nakaroon ng kilos protesta sa buong Europe. Ang mga leader ng western world, kasama ang French President Francois Hollande, United States President Barack Obama, the Prime Minister David Cameron ng United Kingdom, and Chancellor Angela Merkel ng Germany, na nakiisa sa pagkondena sa pag-atake. Ngunit matapos maglabas ang Charlie Hebdo ng isa pang mapangahas na isyu, na muling naglalarawan kay Propeta Mohammed sa pabalat nito, sumiklab ang counter-rallies ang mga Muslim sa Senegal, Mauritania, Jordan, Algeria, at Pakistan. Niransak ng galit na galit na madla ang tatlong simbahang Kristiyano at sinunog ang isang French cultural center sa Niger.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ilang araw bago ang marahas na counter-rallies, nangusap si Pope Francis sa mga reporter na kanyang kasama sa eroplano patungong Pilipinas. Ang malayang pamamahayag ay isang pundamental na karapatan ng tao, aniya, at walang hurisdiksiyon para sa pagpatay sa mga peryodista ng Charlie Hebdo. Ngunit, aniya, may mga limitasyon sa malayang pamamahayag, lalo na kung iniinsulto o nililibak nito ang pananampalataya ng ibang tao.

Bilang isang bansa na nagdadambana sa malayang pamamahayag sa Konstitusyon nito, nakahanda tayong makiisa sa mga nagtatanggol niyon. Ngunit si Pope Francis, sa kanyang karunungan, ay nakikita ang pangangailangang kilalanin ang mga limitasyon sa mga kalayaan. Wala ngang tunay na absolute – ang ugat na salita sa absolutism – sa daigdig na ito. Nang sabihin ng Papa, sa pagpapatupad ng malayang pamamahayag, na naiinsulto ang pananampalataya ng iba, sila ang nagpasimula ng kaguluhan at dapat ngang asahan ang matinding reaksiyon.

Mga salita ng karunungan mula sa kinatawan ng Diyos, karapat-dapat sa malalim nating konsiderasyon.