Isang proseso na lang at maibabalik na sa Pilipinas ang labi ng limang Pinoy na tripulante na kabilang sa mga nasawi sa paglubog ng isang Korean fishing vessel sa West Bering Sea, malapit sa Russia, noong nakaraang buwan.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DoLE), limang iba pang Pinoy crew ng lumubog na barkong Oryong 501 ang pinaghahanap habang tatlong iba pa ang nasagip sa insidente at nakabalik na sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na nakakolekta na ang National Bureau of Investigation (NBI) Forensic Chemistry Division sa Manila ang buccal swab, bloodstain at hair sample mula sa walong kamag-anak ng 10 Pinoy crew na namatay at nawawala.

Nakumpleto na rin ng mga kamag-anak ng mga biktima ang Interpol Ante-Mortem Victim Identification Form base sa kahilingan ng gobyerno ng Republic of Korea, ayon kay Baldoz.
National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras