Joniver-Robles-copy

ISA kami sa mga nagulat nang ipahayag ni Coach Bamboo noong Linggo na hindi na mapapasama sa finals ang isa sa contestant ng The Voice of the Philippines 2 na si Joniver Robles.

“Dahil sa mga hindi inaasahang pagkakataon, I’m sad to announced that Joniver Robles will not be going forward in the competition. His journey on the show ends here today,” sabi ni Bamboo. “After much deliberation, napag-usapan ni Joniver at ng programa na it’s best for him not to continue with the show, due to personal reasons.”

Papalitan si Joniver ni Rita Gomez na tinalo niya sa knockout round noong Linggo.

<b>Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina</b>

Pagkatapos ng pahayag na iyon ay biglang lumabas ang post ni Joniver sa kanyang Facebook account na, “NEED HELP. To all my supporters specially friends and love ones... to my Mom. I didn’t know what to do and not hearing anything from my coach and teammates or anyone from the show made me wait until tonight. IT WAS TAKEN AWAY FROM ME. Myself, being in that show is ‘personal’ itself I’ve been struggling and doing this all my life and always wanted to perform in a worldwide stage. I will never exchange this opportunity for anything. I am saying this because these people can always make up lies to be used against me.”

Iba’t ibang komento ang sumagot sa post ni Joniver at may nagsabing may nagawang violation ang The Voice 2 contestant na alam naman niya ang kaparusahan.

Pero sinagot ito ni Joniver ng, “This is for those who are saying I broke some rule or did something para magkaproblema ‘yung show. Post it here. Just make sure your facts are straight and speaks for itself at hindi nabasa n’yo lang at narinig kung kanino.”

Tinanong namin ang business unit head ng The Voice of the Philippines na si Ms. Mercy Tolentino tungkol sa isyung ito at agad naman siyang tumawag sa amin.

“Hi Reggee, actually ayaw na naming palakihin pa ang isyu.  Basta ang nangyari when we talked to him, he agreed anuman ang napag-usapan namin at hindi niya kinuwestiyon iyon, wala siyang comment,” paliwanag sa amin ng TV executive.

Binanggit namin na may post si Joniver na ‘tila wala siyang alam kung bakit siya tinanggal at sa komento na may na-violate siyang rule sa The Voice of the Philippines ay hinamon pa niya na maglabas ng katibayan.

“Oo nga, nababasa naman namin lahat, hayaan mo na, basta alam niya kung ano’ng dahilan,” sagot sa amin ng bossing ng programa.

Maski na anong pilit namin na sabihin kung ano ang pagkakamali ni Joniver ay nagsabi lang si Ms Mercy ng, “Saka na lang.  ‘Wag nang palakihin.”

Samantala, hindi rin napilit magsalita si Coach Lea Salonga nang mainterbyu siya sa People Asia awards night noong Lunes ng gabi.

“If it’s got nothing to do with my team, I’m hands off. I’m the wrong person to ask regarding this. You might have to talk to the staff who are in charge of us on The Voice and then you’ll have to go from there. If it happened in my team, I’ll have something to say,” paliwanag ni Coach Lea.

Natanong din kung nanghihinayang si Coach Lea sa pagkakatanggal ni Joniver.

“It’s hard kasi it would depend on the circumstances. If it’s something that the show is at fault, then that’s one thing. But if it’s something where the contestant mismo ‘yung at fault, and if they did something wrong, then it’s like sinayang na opportunity. It really depends on what the circumstances are,” maayos na paliwanag ng The Voice coach.

Hindi rin daw magandang magkomento ang mga taong walang alam sa buong pangyayari, aniya pa.