Janine-Gutierrez-copy

BAGO natapos ang 2014, feeling very blessed na si Janine Gutierrez nang manalo ang mommy niyang si Lotlot de Leon bilang Best Supporting Actress para sa mahusay na pagganap nito sa Kubot: The Aswang Chronicles 2 sa katatapos na 40th Metro Manila Film Festival awards night.

“Super-happy po ako for my mom,” sabi ni Janine.  “Alam ko pong deserving si Mommy na manalo dahil napanood ko ang movie at first time niyang gumanap sa ganoong role, malayo sa usual dramatic roles na ginagampanan niya. Magaling siya talaga at nakikita ko ito sa bawat role na ginampanan niya, movie man or sa TV.  Kaya ako, gusto ko ring someday magkaroon ako ng award kaya pinagbubuti ko ang pagganap sa bawat role na ibinibigay sa akin.  At si Mommy, hindi siya nakalilimot magbigay ng advise sa akin kapag may bago akong project na ginagawa.”

So masaya siya na after din niyang gumanap sa dramatic character niya sa drama series nilang Villa Quintana, romantic-comedy naman ang ginagampanan niya sa More Than Words.

National

Antonio Trillanes, planong tumakbo bilang mayor ng Caloocan -- Aksyon Demokratiko

“Yes po, lalo na at nagustuhan ng mga manonood ang may pagkakikay role ko as Ikay sa bago naming soap ni Elmo (Magalona). Thankful kami sa fans namin na walang sawang nagtu-tweet kapag napapanood nila kami gabi-gabi sa GMA-7 after ng 24 Oras dahil nagugustuhan nila ang takbo ng story namin. Nakaka-relate sila dahil tungkol ito sa social media at Wattpad.  Marami pa silang aabangan sa story namin dahil pumasok si Kylie Padilla as Roxanne, the former girlfriend of Baste (Elmo), papayag ba si Ikay na maagaw ni Roxanne si Baste sa kanya?”

Pero maraming nanghihinayang kay Janine dahil sa March ay coronation na ng Binibining Pilipinas, pero hindi natupad ang wish nilang mag-join siya sa beauty pageant. Ang co-artist niya sa GMA na si Winwyn Marquez ang isa sa official candidate.

“Hindi ko po talaga passion ang mag-join sa beauty contest.  Maraming nagsasabing tutulungan nila akong maghanda for the contest, pero ayaw ko naman kung half-hearted lang ang pagsali ko. Supporter na po lamang ako ni Winwyn.  Alam ko pong she’s deserving to join the beauty contest, matagal ko nang sinabi iyon sa kanya kaya natuwa ako nang malaman kong kasama siya sa Bb. Pilipinas.  Nang huli kaming nagkausap sa Sunday All Stars, I wish her the best talaga.”

Mas focused si Janine sa kanyang career lalo pa at sunud-sunod din ang invitations sa kanya to grace the covers of different glossy magazines like Hola, Metro, Style Weekend at marami pang iba.

Balitang bumili na ng condominium unit si Janine mula sa kanyang earnings.

“Meron na po akong nakitang condominium unit kaya happy po ako na may bago rin akong endorsement ngayon, isa ako sa endorsers ng Cosmopolitan Collections ng Boardwalk with co-GMA artists Rich Asuncion, Mike Tan, Jeric Gonzales, Thea Tolentino, Kim Rodriguez, Juancho Trivino at Alden Richards.  Malaki po maitutulong nito sa akin.”

Pinayagan na ba siya ng daddy niya, si Ramon Christopher, na humiwalay sa kanila ng mga kapatid niya.

“I hope maiintindihan ako ni Daddy. Alam niya kasing masikip na kami ng dalawang sisters ko sa room namin.  Hindi pa ako lumilipat dahil inihahanda ko rin muna sina Daddy at mga kapatid ko, kundi ako rin.  Daddy’s girl kasi ako kaya hirap din akong iwanan siya.  Pero si Mommy, pumayag siya nang magpaalam ako, naniniwala raw siyang kaya ko nang mag-isa.”