Ipagpapatuloy ng sub-committee ng Blue Ribbon Committee ang imbestigsyon sa katiwalian ni Vice President Jejomar Binay sa Huwebes.

Ayon kay Senator Antonio Trillanes, bagong istilo na naman ang kanilang ihaharap hinggil sa katiwalain sa Makati City Hall na nag-umpisa noong alkalde pa ang Bise Presidente.

Aminado si Trillanes, na hindi napapanahon ang imbestigasyon dahil ng kakaalis lamang ni Pope Francis, pero iginiit niya na kung hindi naman nila ito ipagpapatuloy ay walang mangyayari sa inumpisahang imbestigasyon.

Si Binay at ilang kasangga nito ay inakusahan ng pagnanakaw ni dating Vice Mayor Ernesto Mercado.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ni Trillanes na hindi siya nababahala kung igigiit ni Sen. Nancy Binay na imbestigahan ang Conditional Cash Transfer Program ng pamahalaan.

Aniya, kung may ebidensya susuportahan pa niya ito pero kung ito ay gagamitin para itigil niya ang imbestigasyon kay VP Binay hindi daw siya papayag.